
It is always easier said than done. At habang gumagawa ako ng articles ko, nakikinig ako ng mga kantang alam kong iniyakan ko. Walang reference. Walang research sa Google. Isusulat ko ang 7 articles na to base sa buhay ko.
At habang pinapakinggan ko ang mga kantang nakapagpaiyak sakin, kasabay ng kalansing ng keyboard, unti-unting nagbabalik ang mga alaala ng nakaraan. Mahirap mag-move on. Madaming sakit. Madaming pag-iisip.
At kahit sabihin mo pang andyan ang mga kaibigan para damayan ka, at the end of the day, kapag uwian na, pag gising mo sa umaga at sober ka na, nagsisink in muli ang katotohanang WALA NA SIYA.
Hindi ako expert sa pag-momove on. Hindi ako marunong magmove on. Hindi ko nga alam kung nakapagmove on na ba talaga ako. Kasi sa totoo lang, hindi mo naman malalaman kung talagang ok ka na. Malalaman mo nalang isang araw kapag nakita mo yung taong nanakit sa’yo at hindi mo na nararamdaman yung sakit sa kaibuturan ng puso mo.
Oo, ako ang laging nakikipagbreak. Kung meron mang nang-iwan sakin, isang tao lang yun.
Siguro tinatanong mo na ko kung paano ako naging credible source kung paano magmove on kung ako naman lagi ang nakikipagbreak? Simple lang, it takes two to tango. Nagkataon lang na mas nasasaktan yung taong nireject ko.
Mahirap din magmove on pag ikaw ang nang-iwan. Bakit? Kasi nasaktan ka rin. Nasaktan ako ng marealize kong hindi nya tinupad ang pangako ni exA; na hindi ako ang priority ni exB; or booty call lang ako ni exC. Nasaktan ako dahil di nila kayang makipagcompromise sakin. Na feeling nila demanding ako kahit ang gusto ko lang naman ay ang oras nila at effort nila.
Noong nakahanap naman ako ng taong sa tingin kong perpekto, iniwan naman ako.
Bottom line, pag nagdecide kang mahalin ang isang tao, humanda ka na masaktan. At kung talagang hindi kayo, hindi kayo. Kahit anong salba mo sa relasyon, if you really can’t stand your partner, leave. Kahit anong pogi pa nyan sa paningin mo noong una, pag paulit-ulit ka na nyang sinasaktan, nawawala ang magic.
Question remains. How to move on? Yan din ang sinusubukan kong diskubrihin sa articles na ginagawa ko.
Let the pain and you become one.
one of the best how to move on tips I’ve learned from
Song Birds of Pain by Garry Kilworth.
